Photobucket The Mirror Has Two Faces: April 2009

Thursday, April 30, 2009

Dik-syu-na-ree

Went home. Heard Ate Marife (our neighbor) and Maternal Unit conversing.

Ate Marife: *prenant with 3rd child* Ate, lalake ang magiging anak ko (sounding discontent)!
Mudra: Hay naku Marife, kahit babae yan o lalake, bakla o tomboy, basta's malusog... yung ang mahalaga!
Me: Aherrrmmm! *insert thought bubble* Malusog ako 'Nay!

Definition: Malusog ako 'Nay- Trulili Mader, I'm gay!

..........

Went to Jen's house. Tita Nora (Jen's Aunt) was there.

Tita Nora: Antaba mo ngaun Ellyn ah?
Me: Hehe, wala pong problema eh!

Definition: Walang Problema - Walang pinagkakaabalahan, batugan

..........

Potashet kang TOEFL iBT ka! Sa May 9, 2009 ka na ha! Malapit na! Humanda kang mabuti, galingan mong magtanong ha! Umayos ka, yari ka sa akin!

Definition: Potashet kang Ellyn ka! Sa May 9, 2009 na ang TOEFL iBT mo ha! Malapit na! Humanda kang mabuti, galingan mong sumagot! Umayos ka, yari ka ke Jen!

Sunday, April 19, 2009

Happy 2nd Birthday Borgy!

We Love You!!!
Photobucket
Ano'ng meron?
Photobucket
Sarap ng amoy ah?

Sunday, April 12, 2009

Mag-business muna tayo!

For affordable imported items, please check my multiply site

www.sariwangsariwa.multiply.com

If you want to purchase something, please do not hesitate to leave a message or PM me:

YM: bro_cup
Skype: ellyn.agulto

Saturday, April 11, 2009

Reading - 22 HIGH
Listening - 27 HIGH
Speaking - 23 unFAIR
Writing - 27 GOOD

DAMN!
I have to retake the whole exam!
And this would cost me $170 again!!!!

Damn that 3 points!

Thursday, April 09, 2009

Dumating na ang pinakaaabangan ng Borgyto ko!
Taaarrrrraaaaannnnn!


Photobucket


Sa totoo lang, mas excited pa sa akin yung nagpadala nyan! Haha!
Thank you for the notebooks by!
Oo, sa kinalaki-laki ng box na yan, NOTEBOOKS lang ang akin!

Photobucket


Lahat ng laman ng box na yan either ke Borgy o
PANINDA!
Haha!

Kaya, bili bili kayo jan!
Murang-mura!
Sariwang-sariwa!

I LOVE YOU VERY MUCH baby!
Kapag nabenta ko tong lahat
ako naman ang magpapadala sau!

Ano'ng laman?
Sikretong malufet!

Monday, April 06, 2009

Borgy's day at Mickey D's

Went to McDonalds this morning with Borgy. Was worried he might not be allowed by the guard inside but luckily, no one's at the front door so we went inside as fast as I could with him trailing behind me while I gently pulled his leash.

The woman at the counter greeted me with a smile (though I think it's more of a smirk actually). She said my dog is not allowed inside. Told her my Cheeseburger deluxe is for take out. Darn her, she wants my dog out then sheepishly asks for his name!

Had to wait for a couple of minutes for my order. Borgy and I were munching on the hot fries when a couple of customers approached us and they were obviously smitten... by my cute dog of course!!! Haha!

When it was time to leave, a man followed us and even opened the door for us. I felt they really wanted us to leave right away. Haha! What are they so scared of? My dog's potty-trained mind you!

Left my camera in the car so I wasn't able to document Borgy's first fast food blowout, damn!

Saturday, April 04, 2009

Nagugutom ako, kanina pa!
Hinde kasi ko kumain mabuti kaninang lunch,
hinde ko kasi type yung nilagang baboy na ulam... yaiks!

Naiiyak tuloy ako sa gutom!
Fuck, I feel like crying when I'm hungry!

Kaya kumain ako ng chocolate galing Japan.
Ng panutsa galing Aklan.
Ng pulboron galing Davao.
Ng Gowers Peanuts galing supermarket.
Ng pansit canton gawa ng Lucky Me.

Pero, parang hinde ako natinga!
Sana hinde rin sumakit ang tiyan ko.

Gusto ko ng pizza ng Yellow Cab.
Ng spaghetti ng Jollibee.
Ng Cajun Chicken ng Friday's.
Ng Whopper ng Burger King.
Ng iced tea ng Tokyo Tokyo.
Pati ng sisig sa Jerry's.

Ayaw kong lumabas ng bahay para kumain sa mall.
Tinatamad ako magdrive!
Ayokong magpadeliver.
Wala akong cash!
Ayokong umorder online.
Kelan pa un darating?

Sana andito ka.
Para kakain tayo sa labas.
Para may magmamaneho.
Para may cash.
Naiiyak ako... dahil ba sa gutom?
Baka miss lang kita?

Wednesday, April 01, 2009

Spell D-i-s-c-r-i-m-i-NATION

Sa usaping diskriminasyon, pumuputok ang mga butse natin kapag nadedehado tayo sa ibang bansa pagdating sa usaping iyan at sa pagkakataong ito, lagi ang sigaw natin "we demand an apology!"

Ang tanong, wala bang diskriminasyon dito sa Pilipinas?

May notion na kapag Bisaya ka, automatic katulong yan. Kapag Ilocano ka, kuripot at kung Kapampangan, hambog!

Sa mga Classified Ads, requirement nila with pleasing personality.

Isang Unibersidad, hinde tinanggap ang isang estudyante sa kursong Nursing kasi hinde daw sya maganda.

Balita kagabi, nahihirapan ng makakuha ng trabaho ang mga 40 years old at above primarily sa dahilang edad.

Magulang ng tomboy, kelangang magbigay ng sustento sa magulang dahil sabi ng nanay nya wala naman siyang "pamilya" na pagkakagastusan unlike yung kapatid nyang me asawa at anak na!

Teacher na napag-alamang bading, tsugi sa work dahil imoral daw at may tendency for sexual abuse.

Sa government agencies, kahit sa private companies, hinde ka matatanggap sa trabaho unless may backer ka.

Sa isang ospital, hinde ka pwedeng magdonate ng dugo kung may karanasan ka sa pakikipagtalik sa kapwa babae/lalake.

The list could go on and on. Kelangan muna ata nating tignan sa salamin ang putik sa ating mga mukha bago pansinin ang sa iba!

Pano kaya kung ako naman ang sumigaw ng "I demand an apology"?
Image hosting by Photobucket

Femme_Fatale


Countup Clocks at PingAFriend.com
Myspace Quotes