Photobucket The Mirror Has Two Faces: October 2008

Wednesday, October 22, 2008

NTD (Nothing To Do)

In a span of 3 hours, nagasgas na naman ang CC ng obit! Jen bought a new pair of shoes (na ang lakas ng loob mag-aya sa Trinoma ng biglaan tapos biglang pasok sa Vans, tumingin ng type nyang sapatos, nagpakuha ng size tapos biglang sabi "by, bayad!" naknangteters!) and my mudra asked me to book her two flights (read: TWO) to Davao for next year! Hayup talaga! Ang yaman ko neto sa utang!

Me: Lord, sang kamay Mo kukunin ko ang pambayad neto?
Him: Aba, kahit ata sa paa ko anak, wala kang mahihita!

Hehe!
Just killing time while waiting for Skype to download!

Sunday, October 12, 2008

Haberday to ME!

Photobucket

Photobucket

Naghihirap pa asawa ko ng lagay na to ha!
Hehe!
E nu pa kaya kung nasa US na sya bukas?
Haha!
I LOVE YOU VERY MUCH baby!
kahit walang regalo basta kasama kita sa araw ng kapanganakan ko, solb na ako dun, pramis! walang eching!


Salamat sa lahat ng mga...
bumati
nagtext
nagmessage
nagcomment
nagtag
tumawag
nangulit
nagtanong
nagpalibre (fat chance!)

Sa susunod uling taon
Sana wala na ako d2 nun
kundi...
ampowtah!

riot na un!!!

Saturday, October 11, 2008

Adios!

Ilang beses kong inisip na pakawalan ka na
Madaming umayon sa desisyon
Ngunit
Naging urong sulong
Sala sa init, sala sa lamig

Ngunit kahapon, kailangan na talaga tayong magkalayo
Aaminin ko, dalawa kayo sa buhay ko
Hinde naman dalawa ang puso ko
Kaya kailangang mamili sa inyong dalawa

Hiling ko sa bago mong kasama
Alagaan ka at wag pabayaan
Mahalin at wag ipagsawalang bahala
Alam ko gagawin nya
Kung hinde, lagot sya

Salamat sa mahigit isang dekada ng serbisyo
Dalangin ko ang higit pang isang dekada ng kalakasan mo


Kung sakaling magkita tayong muli
Babatiin kita
Pero sana hinde na
Kasi baka bawiin pa kita

Paalam
...

...

...

...

...

PhotobucketPhotobucketPhotobucket PhotobucketPhotobucket

Saturday, October 04, 2008

Walang Pag-aalinlangan

na sa aking puso at isipan,

AKO
ang pinakamahal mong tao sa buong mundo
hangad mo ang kaligayahan ko
walang gagawin na ikasasakit ko
ibibigay anuman, walang katanungan
hinde mo ako kailanman sasaktan
o ipagpapalit kanino man

AKO
ang iyong
ngayon
bukas
magpasawalang hanggan

AKO
ang nag-iisa mong dyosa
kahit minsan feeling ko ako si betty la fea


ngunit
sa oras ng aking pagdadalawang isip,
sa mga oras na hinde kita pinaniniwalaan,
wag mag-alala!
Walang Pag-aalinlangan mong tandaan na


SUMPONG LANG UN!
malamang!
hehe!


MALIGAYANG KABUWANAN baby!
MAHAL NA MAHAL KITA!
yan, walang duda yan!
hihi!

Thursday, October 02, 2008

Malapit Na!

Hinde ko na nagagamit ang YM ko! Hinde ko sya namimiss, pramis! E mukhang sa nalalapit na panahon, magiging bespren uli kami! Hay, e what to do? Konting tiis, konting pasensya! Talagang ganun, ginusto naman namin to! Kaya sa mga taong naiinip para sa amin, sa mga taong mas atat pa na lumayas kami sa aming bansang sinilangan...

malapit na
.
..
..
akong
.
..
...
..
.
YUMAMAN MULI! hehe!
Image hosting by Photobucket

Femme_Fatale


Countup Clocks at PingAFriend.com
Myspace Quotes