Photobucket The Mirror Has Two Faces: July 2010

Tuesday, July 20, 2010

Attack of the Giant Mosquitoes

Sa sobrang taas ng pagkakalagay ko sa pedestal ng bandera ng America, inakala kong walang lamok dito, haha! Lamok talaga e noh! Pero ako din pala ay nagkakamali dahil mahigit ilang linggo na ang nakakaraan, kami ay inatake ng sangkatutak na lamok! Akala ko e confined lang dito sa vicinity namin dahil sabi ko kasi nag-uulan at madaming mga halaman at mga puno dito o dahil baka sinundan lang ako ng mga blood suckers kasi paborito nila akong almusalin, ipangtanghalian, at ipanghapunan.... isama na din ang meryenda! Tama na bang ebidensya ang dalawang beses akong na-dengue sa Pinas? Pero, pagkapanood ko ng news isang hapon, headline ang paglabas ng madaming lamok sa Houston! Wow, nasa Pilipinas na ba ako?!

At si Jen na OC-OC kasama si lamok-magnet na si Ellyn ay nag-rush papuntang Walmart para bumili ng Off anti-lamok body spray! At laking gulat namin.... SOLD OUT ang anumang Off products! Korakis! Hanuveh!

Lipat kami sa Target! At ayun, buti naman at may natira pang dalawang bote ng Off Anti-mosquito Spray sa istante! Salamat naman at tinirahan nyo kami ha!
Image hosting by Photobucket

Femme_Fatale


Countup Clocks at PingAFriend.com
Myspace Quotes