Photobucket The Mirror Has Two Faces: July 2009

Tuesday, July 14, 2009

Farm Town sa Facebook

Naadik ako dito ngaun, pramis! Haha! Kino-convince ko nga si Jen na mag Farm Town din kaso walang hilig ang lola mo kaya ung Fezbuk account nya mga kafatid e akin din ang Farm Town nya dun, haha! Minsan napapa-open din ang watot ko ng mga farms if ever I can't go online (review, sleeping beauty) lalo na kapag kelangan ng mag-harvest, pilitan pa un ha! Kasi sabi ko sa kanya sayang ang mga tanim kung mabubulukan kami! Haha! I am soooo taking this seriously! Sana nga ganito lang kadali ang magkaron ng bukid, ang magtanim, mag-ani at kumita ng limpak-limpak sa salapi!

Photobucket
Ako yan sa aking bukid


Photobucket
Jen and Ellyn snogging at Jen's Farm, haha! Anlaswa!

Wednesday, July 08, 2009

Bitchy Mode: ON

At dahil mag-iisang linggo na akong pumapasok sa review, kelangan kong mag jeep! Wala naman kasing paradahan sa review center. Nananakot pa silang pag iniwan mo lang sandali ang oto mo sa baba, pagbalik mo wala ka ng side mirror! Swerte mo kung yun lang ang manakaw at hinde ang buong sasakyan mo! Hehe!

At dahil nagji-jeep ako, badtrip na naman ang moda ko! Bakit? Kasi....

1. Nakakainis katabi sa jeep ang mga lalakeng kung akala mong makabukaka e merong napakalaking (read: NAPAKALAKING) iniingatang bagay sa pagitan ng mga hita nila na any moment ay mababasag kung iipitin nila. Sabagay, lesbiana ako, hinde ko naaappreciate ang kung ano man ang mababasag na un!

2. Nakakairita ang mga babaeng mahahaba ang buhok na akala mo e nagshu-shoot ng MTV o ng shampoo commercial habang sakay ng jeep. Haller! Hinde ako kumakain ng buhok! Malamang etong mga tipo ng mga babaeng ganito e poor-ita na walang pambili ng hair dryer kasi ginagawang patuyuan ng buhok ang hangin na pumapasok sa jeep! Kapag humangin na sa mukha ko o sa balikat ko ang buhok nila, nagkukunyari akong akala ko e buhok ko ang nahawakan ko sabay sabunot sa maganda nilang buhok! Hmp!

3. Buset din ang mga batang makukulit na nakapatong ang shoes sa upuan! Minsan andumi pa ng mga sapatos ng mga bagets at natatapakan nila ang pantalon ko! Gggggrrrr! I hate kids! Haha! Ay mali, I hate their companions pala! Kasi naman, hinde man lang bawalin! E sila kaya ang tapakan ko!

4. Nakakaasar ang mga taong akala e ikaw ang drayber at sayo binibigay ang bayad nila! Ampowtang na, dito ko pikon na pikon! Lalo na kapag dadalawa kayong pasahero tapos gusto ng co-pasahero mo na iabot mo ang bayad nya samantalang pwede namang sya mismo ang magbigay sa mamang drayber! Sa mga ganitong pagkakataon, nagiging bingi ako, o kaya bulag! O kaya naman pag badtrip talaga ako, tinititigan ko lang sya with an expression on my face saying "ok ka lang?!"

5. Kadiri ang mga lalakeng nakasando tapos pawis na pawis tapos amoy putok tapos sisiksikin ka pa sa upuan! Tapos didikit un balat nila sa balat mo! Ewwww! Feeling ko pagbaba ko, sumama na sa akin ang amoy nila!

6. Badtrip din ang mga taong nagyo-yosi sa jeep! Minsan, may matandang babae ang nagreklamo sa isang mama na nagsisigarilyo. Aba, sagot ba naman ng mama "kung ayaw mong mausukan, magtaxi ka!" Aba, aba! May batas kayang nagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong sasakyan o lugar. Hinde lang ako makaimik kasi hinde ko alam kung ano ung batas na un.... Republic Act chorva chorva!

7. Nakakainis din ang mga taong kala mo e dalawa ang bayad! Yung mga tipong nakaside-view pag nakaupo! At eto pa, talagang dapat nakadungaw sila sa bintana habang May I sandal sa iyong katawang lupa!

8. Ang sarap upakan ng mga katabi sa jeep na habang nagbabasa ka, aba e makikibasa din! Minsan nga gusto ko ng ibigay sa kanya ang binabasa ko at ako na lang ang makikibasa. Pati text messages mo, pilit silang makikichismis!

9. Buset din ang byahe kapag nakatabi ka ng taong MASA, as in MASAndal tulog! E halos unanan na nila ang balikat mo, naknangtokwa! Kapag nakatabi ako ng MASA, kapag alam kong dadapo na ang ulo nya sa balikat ko, iiwas ako para magising sya! O loko!

10. Nakakagulat ang mga batang luluhod sa sahig sabay pupunasan nila ng maduming basahan ang sapatos mo saka manghihingi ng barya! Asar na asar ako sa mga ganyang eksena lalo na nung pumapasok ako sa QCGH at ako ay naka-all white!

Tsk, nagrereklamo lang naman ako! Wala kasi si Jen para ihatid ako!
Miss na kita!
Hay, malaking istorbo talaga ang pagrereview sa pagcha-chat natin!
Image hosting by Photobucket

Femme_Fatale


Countup Clocks at PingAFriend.com
Myspace Quotes