Photobucket The Mirror Has Two Faces: April 2011

Saturday, April 30, 2011

Unexpected twists and turns make me re-do my plans. Nawawala ako sa equilibrium and this is stressing me out!

It was discovered there has been a gas leak in my house that is why I had to re-schedule my moving in date! Ayan, sa hotel tuloy ako matutulog mamaya! And one of my patients fell 4 o'clock this morning, long and short term goals for her should be re-done! Ang hirap pa naman amuin ng mga thunders para sundin ang mga exercises na kelangan nilang gawin!

Well, I will act as if I am a Garmin GPS. Kelangan kong magre-route dahil I missed a turn.

This is a bad day. Buti na lang makikita kita mamaya!

Friday, April 29, 2011

Kwento lang, pero walang kwenta!

Isa sa mga activities ng mga pasyente dito sa facility na pinagta-trabahuhan ko e playing BINGO! Enjoy na enjoy sila dyan, pramis! Pero wala namang perang involved. Puro pang diabetes lang ang premyo, chocolates at coke! Gudluck sa blood sugar ng mga thunders na 'to!

One of my patients here just invited me to play BINGO with him, sabi ko I can't cause I need to work. Sabi nya, "what will you do with all that money that you make?" Haha, natawa ako! Akala ata nila na habang dumadami pasyente ko e lumalaki din ang sweldo ko. E kung ganun ang paswelduhan dito e baka pati Administrator namin e i-therapy ko na, hehe! Actually, I can play BINGO naman with them kaso haller, makikiagaw pa ba naman ako ng premyong tsokolate sa mga matatandang itech? E pagkatapos naman nilang manalo e iaalok din naman nila ung mga napanalunan nila sa akin, haha! Shempre naman I would refuse (kunyari) kaso minsan para hinde na lang magtampo e kukuha na lang ako ng kahit isa pero hinde ko din naman kakainin. Yung iba nasa ref ko pa din, kadalasan naman itatapon ko na lang sa basurahan. Ok na un kesa naman pare-pareho kaming maging diabetic no!

Sige na nga, kumain na kau ng kumain ng chocolates, bawiin na lang natin sa exercise mamaya! Kainis! Ang hirap mag-alaga ng matanda!

Bleed Red

Thursday, April 28, 2011

I just can't accept the fact that I made you went through something horrible like this. More so, I was in the right mind when I did it. I take all the blame, this is all my fault. I am deeply sorry and I admit I was stubborn. I will do anything to fix things with you even if it would entail being miserable for the rest of my life. If you will ask me to cut all forms of communication with him, I will do it. If you will ask me to hate him for the rest of my life, I will do it. I just can't see myself living without you.

I am sorry.
I am not asking you to forgive me because what I did was unforgiveable.

Friday, April 15, 2011

I believe that the happiest thing in life
is loving someone so much who will not take you seriously.

Then one day you look into their eyes and listen to them talk
and realize that the magic is gone.

All you see in front of you is a stranger
with just a familiar name.

Wednesday, April 13, 2011

Sana

Sana kaya kong ibalik ang nakaraan!
Ang tanga-tanga ko!
Sobra!

Sana panaginip lang ito!
Gisingin nyo na ako, please!
Bangungot na ata ito?

Sana nga I am worthy of a second chance!
Kung ako ang masusunod, hinding-hinde na!
Pero salamat sa pagkakataon!

Tuesday, April 05, 2011

Wala Akong Kwentang Tao

Sinabi ko sa sarili ko na hinding-hinde ko sasaktan si Jen, pero yan ang ginagawa ko ngaun kasi wala akong kwentang tao! Nakatapak lang ako ng America at nakatikim ng konting pera, lumaki na ang ulo ko na pakiramdam ko kayang kong hamunin ang lahat! Kasi nga wala akong kwentang tao!

Oo, break kami ngaun. Ayaw ko lang tanggalin ang "married" status ko sa FB kasi ayaw ko ng mga tanong o ayaw kong mag-alala ang mga kaibigan namin para sa amin! Alam kong one-sided ang desisyon, at akin un! Desisyon ko un, nasasaktan ako pero alam kong un ang dapat sa ngaun! Hinde ko alam kung magkakabalikan pa kami o dapat pa ngang balikan nya ako kasi wala akong kwentang tao! Mayabang ako, gusto ko kasing maging independent!

Siguro nga nagmana talaga ako sa Tatay ko sa pagiging mapaghanap, walang kasiyahan! Sinabi ko sa sarili kong hinde ako magiging tulad nya sa aspetong un pero eto ako, masahol pa sa kanya! Kasi nga wala akong kwentang tao!

Halos lahat ng mga pasyente ko sa facility nagsasabi na sweet girl daw ako, very hardworking at helpful... sabi din nila, caring at jolly ako! Hinde nila alam na facade ko lang un! Sa loob, im a wreck! I am mean and rude! Kasi nga wala akong kwentang tao!

Kagabi, alas onse na ng gabi, napagdesisyunan kong lumabas, magmaneho! Hinde ko alam san ako pupunta. Sus, e wala namang mapupuntahan talaga dito sa lugar ko. Napadpad ako sa convenience store, bumili ng isang paketeng sigarilyo, cheap lighter, at 6-pack Bud Light. Babalik ata ako sa pagiging sunog baga at babad atay? Tsk tsk, tsk! Di bale, wala naman akong kwentang tao!
Image hosting by Photobucket

Femme_Fatale


Countup Clocks at PingAFriend.com
Myspace Quotes