Photobucket The Mirror Has Two Faces: August 2008

Thursday, August 28, 2008

Best U.S. Cities To Earn A Living

1. Houston, TX
2. Minneapolis, MN
3. Boston, MA
4. Washington, D.C.
5. New York, NY
6.Pittsburgh, PA
7. San Francisco, CA
8. Dallas, TX
9. Milwaukee, WI
10. Philadelphia, PA

  • forbes.com
  • Monday, August 25, 2008

    Ellen and Portia

    Photobucket


    Nainggit ba ako sa kasalang ito? Hmmnnn....
    Gagawin din ba namin ito ni Jen sa hinaharap? Hmmnn....


    Hinde naman namin talaga ito pangarap ngunit lahat ng paghanga at respeto ay ibinibigay ko sa mga kafatid kong dumaan at dadaaan sa prosesong ito. Pero, tingin ko, hinde ata para sa amin ni Jen ito? Bakit? Ewan ko, feeling ko lang!

    Magbabago kaya ang isip namin balang -araw?
    Tingin ko.... hinde ko makita!
    Palagay ko.... hinde ako mapalagay!
    Hehe!
    Me karapatan namang magbago isip ko no!
    Libre naman magbago ng desisyon lalo na kung hinde pa huli ang lahat!
    Kung legalities ang pag-uusapan, siguro pwede?
    Lalo na kung limpak-limpak na ang salapi namin?
    Haha!
    Ampowtah!

    Pero sa ngaun, hinde muna!
    Muna daw oh!

    Thursday, August 21, 2008

    Rainy Days

    Tag ulan na nga! At tag-baha na dito sa amin sa Valenzuela! Biruin mo, alas-dos na ng madaling araw kami nakauwi ni Jen last Saturday! I came from the 2-10 shift at malas, bumuhos ang malakas na ulan isang oras bago ako mag-log out! I was the one driving kaya mainit ang ulo ko, pagod na kasi ako tapos inaantok pa! Buti na lang by at hinde si URT ang dala natin, kasi mas iinit ulo mo kasi pawis steering un, hehe!
    Kung malas ang Sabado ko, ang saya naman ng Martes! Met with Yen that day, isa sa bestfriends ni Jen from Qatar! Pucha, umulan ng pasalubong! Hehe! As in bumaha ng biyaya galing sa mga friends ni Jen na nasa Qatar. Nahiya talaga ako kasi naalala nila ako kahit ung iba sa kanila once ko pa lang na-meet at yung iba ni hinde ko pa nakikita sa personal. Nakaka-touch talaga! Parang feel ko part na ako ng circle nila, hehe, baka naman maiyak pa ko neto.
    Ayan, lumalakas na naman ang hangin... mukhang uulan na naman! Hay naku, wish ko lang bukas e umaraw na kasi back to work uli!

    Thursday, August 07, 2008

    Mga Aral sa Buhay ng mga Adik

    1. Huwag tipirin ang sarili... kung gustong bumili ng Lacoste, GO LANG NG GO! Kesa sa ibang kamay mapunta ang anda, sarili mo muna ang dapat makikinabang!

    2. Ang pagtulong sa kaibigan ay hinde laging namumunga ng maganda... minsan naii-scam ka!

    3. Huwag Shunga-shunga! Magtanong... magverify! Walang bayad ang mga ito!

    4. Trust your instincts! Listen to your hunches! Kahit sabihin mong mas malaki pa sa gym ball ang utak mo, meron sa kailalim-laliman ng pagkatao mo ang magtuturo sayo sa tamang landas.

    5. Sa lahat ng bagay, dapat magkaramay kayo ng partner mo. For richer of for poorer dapat ang drama nyo. Walang lihiman kahit alam mong ikakagalit, ikakaiyak, o sa tingin mo e masasabihan ka nya ng "Ang tanga mo!"

    6. Si Carmi Martin ay lagi lamang nasa tabi-tabi. If you can't beat them, you can't even get even, call Carmi to rescue you! Hinde ka nya bibiguin! Pramis!

    7. Tawanan mo na lang ang buhay kung naisahan ka! E in the first place, kasalanan mo naman kung nagpauto ka! Tandaan, sa hinaharap, pede ka namang makadalawa!

    8. Kapag me nawala sau, laging mas malaki ang kapalit nyan! Kung nawalan ka ng P13,000... kita mo, biglang bubuka ang langit at magpapaulan yan ng P21,000! Dapat magaling kang sumalo! Kung mas maswerte ka pa nga, malamang hinde lang P21,000 ang masalo mo kundi isang matunog na "See you soon!" Yipee!

    9. OK lang na umiyak paminsan-minsan, wag mahiya na ipakita sa iba ang pagtulo ng luha.... sus, e kung un ngang mga teleserye iniiyakan mo, un pa kayang tunay na drama ng buhay mo!

    10. Ang mga aral sa buhay ay dapat isinasapuso, hinde dapat kinakalimutan. Merong mga ex-jowa na mangangaliwa, mga raffle na hinde mo mahahawakan ang premyo mong napanalunan, mga estrangherong uubos sa laman iyong wallet, o mga kaibigang magta-traydor sau! Masasaktan ka sa simula, iiyak, hinde makakatulog o makakakain. Cool ka lang! Steady lang! Lilipas ang sakit, ang galit! Sa takdang panahon, makakabangon ka! At pagdating ng panahon na un, eto ang sasabihin mo... "You ass! Fuck you!"

    Hehe!

    Wednesday, August 06, 2008

    Patawa Lang!

    Photobucket Photobucket

    Photobucket Photobucket

    Josme, josmo! Bading ata talaga ang alaga naming si Borgyto, haha! Eto, kayakap pa talaga ang paborito nyang laruan na si Minnie! E nu pa ba naman kasi, e di mana sa mga ina! Hehe!
    ==========

    Kahapon, sinabi ko ke Jen bumili kami ng chararat na rubber shoes na pure white, pang-duty ko kako! Ayaw ko kasing isuot buong linggo un duty shoes ko kasi hinde kumportable sa paa! Bago pa kasi un, dalawang beses ko pa lang naisuot! Kumbaga, bine-break in ko pa! Sabi ni Jen, sa Trinoma na lang daw kami bumili! Haller, me mura ba dun?? Naisip ko, pumunta kami sa Grand Central sa Monumento sa mga tyangge doon! Nakahanap naman ako, P350 lang, at ang tatak.... tadaaaan! LACOSTE! hahaha! Sabi ng mama, P500 daw, binarat ko sabi ko P300 na lang hanggang sa nagkasundo kami sa P350! Ok naman un sapatos, sabi namin ni Jen, mukha namang tatagal ng isang linggong suotan! Hehe!

    Pag-uwi ko sa bahay, pinagmalaki ko pa sa Nanay ko ang nabili ko! Sabi nya, halatang fake! Hehe! Sabi ko nasa nagsusuot yan! Sinukat ko sa harapan nya para malaman nya ang ibig kong sabihin, hehe! Napansin ko, bakit parang me nakabukol sa loob ng sapatos? Napansin ko ung insole ng sapatos e natatanggal, un insole e un loob ng sapatos na kadalasang andun nakatatak ung brand name! Hinatak ko... at paghatak ko, tumambad sa akin ang isang malaking kalokohan! Sa ilalim ng insole, me nakatatak na CONVERSE! AHAHAHAHA! Natawa ako, pramis! Napasigaw ako ng 'Nay, naloko ako!" AHAHAHAHA! Pinicturan ko nga kasi natawa talaga ako! Hinde ko magawang magalit sa mama na nagbenta sa amin nun kasi natawa talaga ko! Eto un picture, nakakatawa pramis!


    Photobucket

    Photobucket
    ==========

    Sabi ni Midori sa binabasa kong Norwegian Wood...
    " Like, if a pretty girl says, 'I look terrible today, I don't want to go out.' that's OK, but if an ugly girl says the same thing people laugh at her. That' s what the world was like to me. For six years, until last year."
    Sabi ni Anne Curtis...
    "Ako si Anne Curtis, ang nag-iisang dyosa."
    Natawa ka ba jan? Malamang hinde! Subukan nga nating ako ang mag-segue nyan!
    Ehem... "Ako si Adik Chorva, ang nag-iisang josa!" AHAHAHA! Ampowtah! Eto ang blockbuster!
    Image hosting by Photobucket

    Femme_Fatale


    Countup Clocks at PingAFriend.com
    Myspace Quotes