Photobucket The Mirror Has Two Faces: July 2008

Tuesday, July 29, 2008

Photobucket
My first HARUKI MURAKAMI...

Told you I want a new book and here it is! Funny thing was, when Jen and I were already paying at the cashier, we suddenly realized that we have no cash! Hehe! Kaskas na naman!

Went to QCGH yesterday before going to our usual tambayan, I found out I passed the exam and I qualified for their 6-month training for Nurses...hehe! Napasigaw ako ng 'Thank you po Lord' sa harapan ng Nursing Office! Wa na ko care if a lot of people heard me! Masaya ako kahit training lang to at walang sweldo, basta good as work experience na kasi to saka naging fair ang labanan, dinaan kasi sa written exam! Kung nagkaroon ng palakasan, hinde ko na din alam! Kung nagkaroon man, kawawa naman yung ibang deserving na hinde nakasama! But when we took the exam last July 3, we were assured that it will really be a clean fight. Orientation na sa Monday so I have, hmmnn... 5 days to finish my Norwegian Wood.

Monday, July 28, 2008

Walang Magawa

Ano'ng bago dyan?
Wala!
Lahat luma!

Sige, kanta na lang ako...
'Give me my money back! Give me my money back you bitch!
I want my money back!
And don't forget....
And don't forget to give me back my black t-shirt!'

07-25-2008
14:12
Mlpit n me uwi.hpe 2 c u soon.

Kanta ko uli...
'Give me my money back! Give me my money back you bitch!
I want my money back!
And don't forget....
And don't forget to give me back my black t-shirt!'
Hehe!
Goli na nga ako, kita kits na lang sa laging tambayan!
I want a new book!
I want to read!
Kahit NCLEX books ko papatusin ko na uli!

Monday, July 21, 2008

My day started so early today. Hinatid namin ni Jen sina Daddy Noli and Mommy Ida sa airport around 4am, pupunta sila ng HK! Sosyalin, pahongkong-hongkong na lang ang mga oldies. Hehe! Then we had breakfast at Jollibee, tapos uwi muna to take a nap kasi tatlong oras pa lang tulog namin ni Jen! Kung anong ginawa namin kinagabihan, sikretong malufet! Pero, huwag madumi isip! General Patronage itu! Hihi!

At around 10am, lakad na naman kasi tatlong bangko ang pupuntahan namin! Haha, parang andami namin accounts na nagkalat sa kapuluan no? Una sa BPI para magpagawa ng bank draft for my Texas License Validation. Kelangan kasi netong validation na to para mabigyan ako ng Visa Screen. Then sa BDO to send money to my grandmother in Nueva Ecija tapos sa BPI Family to send Teten's money! Whew! Dun pa lang nakain na ang ilang oras namin. Tapos kain sa Goldilocks! Relyenong bangus, dinuguan, cakes, sarsi at TATLONG kanin...solb! Wala kaming gana, masakit kasi ang ipin ko, pramis!

And then, Jen and I decided to go to Divisoria! Hinde naman tipong impromptu na nadecide na lang namin na pumunta. Anong ginawa namin dun? Bumili ng lobo! Balloons! Hinde wolf ha! Hehe! Para sa kaibigan yan nila Janice sa Qatar, nagpapabili dito sa Pinas para ata sa Birthday ng anak? Hinde ako sure basta bumili kami ng 300 pieces na lobo! Hinde naman lumipad sa langit kasi wala pang hangin, utak ko lang me hangin! Hehe! At ako, ano ang pinamili ni Jen para sa akin? Sige, tanungin nyo! *drum roll*Isang napakamahal na CAN OPENER! Haha! Pangarap ko yun! Dream come true! So hi-tech!!

Pagkatapos, pagtapos nun.... byahe na! Jeep! Ayun, inabot kami ng ulan sa byahe kaya dalawang oras lang naman naming binaybay ang Divi hanggang Karuhatan! Ang saya-saya! Hay, lahat ng madikit sa akin, nanlalagkit! Ampowtah!

Ngayon lang, pagkacheck ko ng emails ko... aba, dalawang picture comments from J, Jen's uncle! Natawa ko! Hahaha! Biruin mo, binuhusan ng panahon ang pictures ng steering wheel ng puti kong oto ang ung isang lomo pic ni Jen! Haha! Tinanong nya bakit daw kulay pula un manibela ko at kung nakainom daw ba si Jen nung kinuha nya ung picture na un! Eto sagot ko sa kanya!

about the steering wheel...
haha! it's wood, with red varnish! when my father bought this from its first owner it was already like that so we settled for it. im selling the car, with my father's permission of course, because my american dream is soooooo expensive...hehe! but no one seems to be interested in that car...do you think it's because of the red steering wheel? hmmnn?

about the blurry pic...
she was high on...mosquito coil...haha! it was taken using her Holga 135 cam, a lomography (whatever it is) toy camera used by photography enthusiasts! she is asking (demanding!) me to buy her a camera just like the one you own on my first salary when i get there! seems like im going to raise a kid in texas..hehe!

Tutulog na ko! Kulang lang ako sa islip!

Saturday, July 12, 2008

Para sa Akin...

Dishonest Persons
do
NOT
deserve
second
chances!!!
.
..
...
....

bato bato sa langit, ang tamaan...DISHONEST!

Tuesday, July 08, 2008

07-05-2008
14:27
Gud pm!ellyn snsya n mangaabala me sau,gs2 ko lng sna mlamn kng nptwad m n b me?prents m nptwad nb nla me?gs2 ko pa din ihingi ng twad lhat ng pgkkmli ko s nu,at kng ano mng mga pngako n d ko ntupad sau,cgro kc may mga dhlan p me, nd past few mos,kc puro kw nppnginipan ko,y?

bakit mo ako napapanaginipan??? siguro bigla ka tinubuan ng konsensya! ahahaha! safeguard na ba gamit mong sabon? alam mo sharon, wala ng pakialam mga magulang ko sau, lalo na ako! napatawad na ba kita? hmmnn, hinde pa!!! kasi hinde pa kita nakikitang gumagapang sa lupa na parang bulate na binudburan ng asin! hehe! abala ka talaga! hmpt!

07-05-2008
22:31
D ka man lng ngreply s txt ko,glit k p nga tlga s akn,mdlas lng kc kta naiisip,d ko lam kng bkit,cgro d ko lng maamin s srili pro mahal p dn kta,kso nhi2ya me sau at andun ang takot ko,at cgrdo taken kna kya npka impsble na,kht cgro mgkta uli impsble na dn.sna dmting pnhon mgklakas loob me sau.tc.u

nahihiya ka??? kelan pa?? ahahaha! humor me more sharon! hehe! at taken na talaga ko! taena neto...akala mo ata nya naghiwalay na kami ni jen??? o hinde ka naniniwala na kami ni jen?? siguro nung pinakilala kita ke jen, siguro inisip mo na binayaran ko lang sya para magpanggap na girlfriend ko no?! ahahaha! magkalakas ka man ng loob, wala ka ng babalikan sa akin! shet, haba ng hair ko! ahahaha!

07-06-2008
02:18
Wla tlga,umakyat me chck ko isa cp ko kng may txt ka pro wla,k lng d n kta aabahalahin kht kelan,pro pguwi ko at ngkalakas loob me humarap sau s mga kslanan ko at mga pngakong d n2pad dti,sna anjan kpa.pro kng may asawa kna ngyn,d n tlga.khit kelan.tc always.'hpe w'll c each oder again.

aba, nagmalaki pa na dalawa cellphones nya! ako tatlo! ahahaha! wala pa akong trabaho nyan ha! pahila-hilata lang ako nyan pero mas maganda pa din buhay ko sau! me asawa na ko kaya wag ka ng mag-hope! alam mo, ilang beses mo ng sinabi na hinde mo na ko aabalahin! at gaya ng dati, hinde ka na naman tumupad sa usapan at binubuwisit mo na naman ako! sana pag uwi mo, nasa US na kami ni jen! aysus, malamang mas malaki panghihinayang mo nun sa akin! ahahaha! dolyares na pera ko nun!


Text messages to ng ex dyowa kong si Sharon! I didn't bother to reply kahit kating-kati ang daliri ko para sumagot sa text nya kaso so sayang sa load! Galit ako kasi I know me hidden agenda sa mga texts na yan! I should know! Kung mali man kutob ko at talagang she meant everything she said...ummm, matatawa ako ng malakas tulad neto!!! ahahaha!
Image hosting by Photobucket

Femme_Fatale


Countup Clocks at PingAFriend.com
Myspace Quotes