Halo Halo
March 10, 2007, 11 days before Jen's birthday...Whoa! Binangga sila ni URT ng jeep! Jen let a day pass before she told me what happened because she knows I would blame the accident from her driving and not from the driver of the jeepney who had hit them! Ang hilig kasing sumingit netong adik na to! Mukha ka ng inguinal area! Pero kasalanan naman daw ni Manong Jeepney Driver kaya bayad sya ng damage! Okey naman sya (the car I mean!). May konting dent lang sa right side pero ayos na ngayon! Thanks to my ever reliable friend, Mang Mar! Wahehe!
........
March 21, 2007...Jen's Birthday! Ahehe! Ayan, di man lang ako talaga nakapag-post ng araw na to, nasira kasi modem ko! But, it's better late than never! Di bale, nilibre naman kita sa peyborit mong resto at pinalitan ko na phone mo! O ha, san ka pa! Yaman ko no! BELATED HAPPY BIRTHDAY baby! Ilan taon na sya??? Sikretong malufet! Sabi ni Allyanne, 24 daw! Ahahaha! Ang galing manghula! Pwede ka na sa Quiapo 'ning!
........
Everyday and everynight of my life...Text messages and missed calls from my ex, Sharon! Nakakairita na! Naiistorbo lagi ang tulog ko sa madaling araw dahil ewan ko ba kung anong saya ang dulot sa kanya ng panggigising sa akin! Gusto ko na ngang magbago uli ng number para manahimik na sya! Gusto ko ngang i-post dito yung mga katarantaduhan nyang mga messages kaso, waste of time! Hay naku, kawawa naman talaga ang karelasyon nya ngayon! I mean, bakit kelangan pa nyang sabihin sa akin na mahal pa din nya ako at kung iiwanan ko daw ba si Jen, babalikan ko pa din daw ba sya?! BWAHAHAHA! Fat chance! Sabi ko sa kanya, alagaan na lang nya si Chona...dahil wala ng kasing tanga nya!
........
Kauuwi ko lang galing sa Dorm. Nag rent kasi kami ni Jen ng place na malapit sa mga Review Centers namin! We have planned this for so long tapos medyo nagkakaproblema naman ako sa school ngayon. Kung hinde daw mag-eenrol sa In-House Review Center sa school, iho-hold ang Transcript of Records namin! I mean...hello??! Bakit??? Hinde tuloy ako makaaral ng mabuti kasi iniisip ko pa din ito! Sabi ni Tatay, mag enrol na lang din ako sa school para matapos ng lahat. Huwag ko na lang daw isipin yung gastos kesa naman daw magkaproblema ako sa bandang huli! O ha, yaman ni papa! Mana sa anak na mas mayaman! Ahaha! Sus, e naka-enrol na nga ako sa iba at hinde ko naman mahahati ang katawan ko para umattend sa dalawang Review Centers no! Unless manananggal ako, yun pwede! Wahehe!
Ayan, waste of time na talaga to! I should be reading my books at this time! Teka, ano ba yung Executive Order 566? Sabi nila sa school, according daw sa Law na yan, may karapatang i-hold ng school ang TOR namin! Ow?! Mahanap nga sa Internet! Please enlighten me regarding this!
.
..
...
I miss you baby! I'll be sleeping tonight without you by my side! Hay! Di bale, konting tiis! Para sa future natin ito! I LOVE YOU VERY MUCH!