I am a Nurse
Iba pala ang katoxican na madadanas mo kung Nurse ka! Walang panama sa pagiging Physical Therapist! Sa PT kasi, salpakan mo ng ES/TENS ang pasyente mo, samahan mo ng HMP, konting ROM exercises, ok na! Kalaban mo lang ang matinding sakit ng katawan kung hita ng higante ang ihahamstring stretch mo! Ahahaha! Kaya kelangan ang proper body mechanics kundi Slipped Disc ang abot mo at sa madaling sabi, ikaw naman ang ipi-PT! Ahahaha! Ang saya-saya no?
Wala lang! Miss ko lang ang pagiging PT ko! Hinde ang pagttreat ng pasyente ang miss ko ha! Miss ko yung coffee breaks, lunch breaks, merienda breaks, isama mo na ang yosi at bathroom breaks! Ahahaha! Kapag Nurse ka at hawak mo ang buong Ward, hinde pwede yan! Minsan nga, sa buong shift mo, walang kainan yun! Minsan sa katoxican, wala na ring bathroom break! Kaya wag na kayong magulat kung ang Nurse na kilala nyo e may Abdominal Ulcer o Urinary Tract Infection! Ahahaha!
Nurses are referred to as Professional Maids (kita naman sa uniform ko e, diba adik? Ahahaha!) ....e tawag naman sa mga PT, Professional Masahista! Saklap naman! So pagnatapos ko ang Nursing at napasa ko na ang Boards, ano na ko?
Yun lang!
.
..
...
Nonsense mode on!
Hmmnn....buti naman nakapag-isip-isip ka na adik! Ehehe!