Photobucket The Mirror Has Two Faces

Sunday, February 07, 2010

Question of the day/week/month:

"EXCITED KA NA?"
(Meaning kung lumulundag lundag na ba ang puso ko sa nalalapit na pagbabakasyon ni Jen!)

Answer of the day/week/month:

"HINDE NO!"

Haha! Shempre oo naman, excited ako! Kahibangan namang hinde! Ang gusto ko lang namang puntuhin e kelangan pa bang imemorize yan? Hehe! Alam ng mga kaibigan ko na magiging masaya ako sa tatlong linggong pag-uwi ni Jen at gusto lang nilang marinig mismo sa akin ang pagkasabik, haha!

Pero ngaun, as in now na at this very moment, nasasabik na ako! Haha! Iniisip ko na sa ganitong oras next week, kasama ko na ang watot ko! Yehey! Ang saya saya! Kahit alam kong mapupuyat ako next week sa pagsundo sa kanya dahil alas singko ng madaling araw ang landing ng eroplano nya e keber, I will be happy to drive from Valenzuela to the airport at 3 o' clock in the morning to fetch her! Haha, excited! Alas tres daw oh!

Pero shempre, there is still this part of me na nag-aalala sa pag-uwi nya! Haha! Walanghiya naman kasi, I still need to study kahit pagdating nya! Hrrrmmn, thiz iz for the future zo gotta do what I gotta do! Kaya pakiusap ko kanya na wag akong iistorbohin sa tanghali at samahan ako sa coffee shop para makapag-aral at hayaan kako akong pumasok sa review! Me pagka-BI kasi minsan tong si Jen, alam nya kasing me lahi akong MASA (MASAndal tulog). Kapag mang-aasar yan, bubuksan na nya ang aircon sa kwarto sa tanghali, aayusin ang malalambot na unan sa kama at saka hihiga at maghihilik! Naknang, e papalamang ba naman ako sa tulugan! Hayyzz! So nagcompromise kami, hinde nya ko iistorbohin sa tanghali pero pwede nya ko istorbohin sa gabi, haha! *R18*

3 Comments:

Blogger CuteJugglerJeN said...

ILOVEYOU SO MUCH baby! nalalapit na ang ating pagtutuos! ahaha!

konting araw nalang & ill be with you!

mwah!

Monday, February 08, 2010  
Anonymous femme_fatale said...

hay naku, hinde talaga ako excited! isa kang malaking istorbo sa pag rereview ko pag nagkataon! hehe!

pero...

sige, istorbohin mo lang ako! haha!
I LOVE YOU VERY MUCH by!

Monday, February 08, 2010  
Blogger Sam-Mik said...

bwahahahhahaa mga baliw! sis hinaan lang ang "fireworks" ha? baka hanggang dito sa tondo eh maramdaman ko ang mga paputok niyo :p

welcome home jen!

Sunday, February 14, 2010  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home

Image hosting by Photobucket

Femme_Fatale


Countup Clocks at PingAFriend.com
Myspace Quotes