Raliyistang Negosyante
At dahil kamamatay lang ng ating pinakamamahal na si Tita Cory, may bigla akong naisip na gusto kong ikwento sa inyong lahat na nangyari sa akin nun namang ang asawa nyang si Senator Ninoy ang namatay. Aba, alam nyo bang muntik na din akong nahimlay kasabay ni Ninoy nung araw ng kanyang libing? Hahaha! Natatawa na lang ako kapag naaalala ko ang kwento pero nung panahong yun, hinde sya funny! It was a frightening experience for me because I was merely 6 years old when it happened.
August 1983, araw ng libing nun ni Ninoy. Etong Auntie Nita ko inaya ang Mudra ko na pumunta sa Luneta para nga abangan ang libing. Huminde ang Nanay ko dahil sabi nya wala daw mag-aalaga sa akin. Ayun, aayaw ayaw pa ang Maternal Unit pero um-oo din sa bandang huli, hehe! At dahil nga walang mag-aalaga sa kawawang paslit (ako yun), isinama nila ako sa Luneta! Damn it, hangcheap! Haha!
At yun na nga, andun na kami sa Luneta, dun sa me bandang istatwa ni Rizal. Bale nasa loob kami mismo ng park facing Roxas Blvd kung saan daanan ang bangkay ni Ninoy. Ang daming tao nun, siksikan, maaraw! Sa sobrang araw, hinde mo aakalain na uulan. Pero umulan pa din! At dahil walang dalang payong ang Nanay at Auntie Nita ko, nilagyan na lang ako ng Mudra ko ng panyo sa ulo.... haller, basa pa din kaya ako! At biglang nakakita kami ng malaking malaking Acacia tree dun kung saan pwede kaming sumilong. Pinaupo ako ng Nanay ko sa ilalim ng puno para hinde naman ako masyadong maging wet... hehe! At dahil gusto nga nilang makita ang pagdaan ng truck na naglululan ke Ninoy, iniwan ako ng Mudra sa puno kasama ng iba pang mga utaw at nakipagsiksikan sila ng Auntie Nita sa me bakod ng Luneta Park para masilayan ang libing. Ng all of a sudden, nagkaroon ng thunderstorm.... as in gumuguhit sa langit ang kidlat at nakakabingi ang mga kulog. Nabahala ang Nanay ko, binalikan ako sa Acacia tree at kinuha. Hinde daw kasi safe sumilong sa isang malaking puno sa oras ng pagkulog. Natawa ang mga taong nakapaligid sa amin ni Maternal Unit kasi bakit daw ako aalisin dun samantalang hinde na nga ako nababasa dun. Sabi ni Nanay, hahanap na lang daw kami ng ibang shade. At natawa silang lahat.
Buhat-buhat ako nun ni Nanay habang tumatakbo kami papunta sa kung saan. Ng biglang me narinig kaming sumabog, as in malakas na akala namin e me bomba ng pinasabog. Sa likuran namin ni Mudra, parang meron ding buhangin at kulumpon ng dahon na isinaboy sa amin. Nagulat kami shempre at napalingon. At ayun, pagtingin namin sa pinanggalingan naming Acacia tree, lahat ng mga taong iniwan namin dun e nakabulagta dahil tinamaan ng kidlat ang puno. Umuusok pa kaya un Acacia pagtingin namin. Iyak ako ng iyak nun hinde dahil naisip ko na muntik na pala akong naging roasted chicken kundi dahil natatakot ako sa pagkakagulo ng mga tao. At ang Nanay ko, takot na takot dahil mapapagalitan kami malamang ni Pudra dahil hinde nya alam na nakipaglibing kami ke Ninoy. Hehe!
Ang alam ko, naging front page ang pangyayari na yun sa mga dyaryo. Sayang nga lang at hinde kami nakapagtabi ng kopya. O baka ayaw ng maalala ng Nanay ko na muntik ng sumalangit nawa ang kaisa-isahan nyang anak? Haha! E kung me hinala na siguro ang Maternal Unit na magiging pasaway lang din ako at magiging obit e malamang hinayaan na nya akong maging roasted chicken. Hehe!
Naalala ko ang kwentong to kasi minsan, naikwento ko din ke Jen to. E naalala naman ni Jen kasi sa panonood nya ng libing ni Cory Aquino sa internet (wala kasi syang TFC sa Houston, nagtitipid), nabanggit ata ni Ted Failon sa isang pagko-cover nya na meron ngang ganitong nangyari nun sa Luneta. Hay, isa ako sa muntik ng mamatay nun Tito Ted, hehe!
Bata pa lang ako, laman na ako ng mga Aquino rallies. Nun namang EDSA Revolution nung 1986, andun din ako sa EDSA kasama ng mga magulang ko. Nakikisigaw kaya ako dun ng "Laban! Laban!" without ever knowing what it meant. Siguro masyado pa akong bata nun para maintindihan ang kahalagahan ng presence namin dun pero alam ko, dahil nagpupuyat kami dun ng mga magulang ko, alam kong me magandang dahilan yun.... yun nga lang, hinde malinaw sa akin kung ano. Basta ang alam ko, kapag pupunta kami dun, madami akong makakain, magkakaroon ako ng bagong yellow shirt, o yellow cap, hehe! Sayang, hinde nagawang memorabilia ng Nanay ko ang mga yun! They may cost a lot now. Hehe, negosyante talaga!
Speaking of pagiging negosyante, alam nyo bang madami na akong naging raket? Hehe! Ewan ko nga ba at bakit ako PT Nurse gayong alam ko na sa puso at kaluluwa ko ako ay isang true-blooded raketista, hehe! Anu-ano ba ang naging mga negosyo ko?
While I still in College taking up PT, nagkaron ako nun ng piggery! Haha, piggery daw o! Tatlong baboy lang naman un pinaalaga ko sa probinsya. Ayun, pinsan ko ang nag-alaga ng tatlong cute na cute na mga baboy ko at dahil pareho kami ng sanpits ko na walang experience sa pag-aalaga ng baboy (alam lang naming kumain ng pork), ayun, break even lang. Hehe! Dapat pala nagresearch muna ako pero ok lang naman, charge it to experience ika nga.
Nung nagta-trabaho na ko as PT, nagpatanim naman ako ng sibuyas sa probinsya. As in ektarya ang taniman ko nun ng sibuyas. Haha! Sayang nga at wala akong maipost na pictures ng taniman kong yun at nung anihan na na nag-hire pa kami ng mga tao para magharvest! Haha, Farm Town na Farm Town in real life and dating. Kaya nga siguro madalas sa FT account ko, laging sibuyas ang tanim ko kasi naranasan ko na yung gawin. Ang saya kasi medyo kumita ako dun, hinde nga lang naka-jackpot pero at least kumita ako ng konti dun.
Before ako mag Nursing nun, inaya ko ang mga HS friends ko na mag franchise kami kako ng Kiss King of Balls. Eh masyadong mahal kaya napaisip muna kami. Mabuti nalang at nag-isip nga muna kami kasi nung minsan na namasyal kami sa Munisipyo ng Valenzuela, meron dun na Kikiam/Burger Food Cart na for sale at saktong-sakto, me pwesto na din. Nakamura na kami, nakapwesto pa kami sa mataong lugar! At alam nyo ba na para makabawi kami agad ng mga kaibigan ko sa puhunan, sa unang buwan ng operation namin, kami ang nagtitinda ng burger, kikiam, squid ball, french fries at gulaman! Haha! As in kapag off ko sa work ko as PT, tindera ako ng burger, kikiam, squid ball, frech fries at gulaman! Haha! Enjoy to the max un! Haha! Agahan ko nun imbes na kape e gulaman! Natuto akong gumawa ng sauce ng kikiam, magluto ng sampung burger sabay-sabay, magtimpla ng masarap na gulaman at ngumiti sa mga makukulit na customers! Nakakapagod un pero sa hapon, kapag magbibilang ka ng kita, hehe, nakakaalis pagod! Haha, mukha talagang pera. Ummm, hinde ko naman ikinayaman ang business na yun kasi after almost a month of being a tindera, kumuha na kami ng 'staff' at hinde na namin natutukan masyado ang business kasi yung dalawa kong kaibigan e nagkaron ng work sa me bandang South kaya na-busy na sila, ung isa naman najontis at ako naman, nag-aral ng Nursing while working as a Physical Therapist. Nag-run lang ang business na un for almost 6 months ata kasi hinde na namin naharap. Ewan ko ba kung san na nakatambak ang food cart namin.... hmmn, magbenta uli kaya ako ng gulaman? Hehe!
At ngaun naman, habang tumetengga sa bahay at tuloy pa din sa pagre-review, eto ako nagbi-business ng PX goods, hahaha! www.sariwangsariwa.multiply.com Sabi nga ni Jen, bakit ko daw ba pinahihirapan ang sarili kong magbenta e samantalang pwede naman nyang ipadala ng pera na lang... e masokista ako e! Kung nun ikaw ang masokista, ako naman ngaun, hehe! Kasi pag minsan, merong mga orders sa akin na kelangan kong ihatid sa kung saan-saang lugar. Ok naman ako sa ganun, enjoy ako na nagbebenta-benta. Ewan ko nga ba bakit ako nagpapakahirap kumuha ng kung anik-anik na exams..... PTLE, NLE, IELTS, NLCEX-RN... at ngaun TOEFL- iBT at NPTE! Damn it! Kung bentahan lang yang mga exams na yan, malamang lagi akong topnotcher!

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home