Photobucket The Mirror Has Two Faces: An Encounter

Saturday, September 30, 2006

An Encounter

Photobucket - Video and Image Hosting

Nahuli ako ng MMDA sa Ortigas last Wednesday night. Nasa Eastbound lane ako nun pa-Northbound. E ang bagal ng sinusundan kong sasakyan kaya hinde ako nakatawid ng EDSA dahil inabutan ako ng red light. Ayun, naharangan ko yung isang lane ng Southbound. Actually, dalawa kaming sasakyan ang humarang sa lane na yun. Hinde naman ako makaatras kasi tinutukan naman ako ng sasakyan na nasa likod ko. Dedma na lang sana hanggang makita kong kinakawayan na ako ng isang MMDA officer. Natawa ako…huli!

MMDA: Ma’am, may lisensya ka ba?
AKO: Syempre! (Sabay abot sa kanya ng lisensya ko)
MMDA: Mam’am obstruction ang ginawa mo dun a!
AKO: E alanganin na ako e, hinde naman ako makaatras kasi nakabuntot sa akin yung nasa likod.
MMDA: E sana Ma’am dumiretso ka na lang.
AKO: Tapos? Kung didiretso ako, ano naman ikakaso mo sa akin? Beating the red light?
MMDA: Kanina pa kita tinitignan dun sa gilid e, obstruction talaga ginawa mo.
AKO: E bakit ka nasa gilid? Dapat andyan ka sa gitna nag-aayos ng flow ng traffic!

(Napipikon na si Manong MMDA..ehehehe!)

MMDA: O sige, titikitan na lang kita ng pinakamababang kaso…Obstruction!
AKO: Ano?? Manong naman! E hinde nga lang ako makaatras kasi may sasakyan sa likod ko. Kita mo nga, dalawa kaming naalangan o! (Nahuli din kasi yung isang oto na humarang din sa Southbound lane!)
MMDA: Kaya nga Ma’am, mababang violation lang naman to, pwede mong kunin ‘tong lisensya mo sa Makati.
AKO: Makati??? Hinde ko maaasikaso yan! Hanggang Linggo may pasok ko. Aregluhin na lang natin ngayon yan. Bilisan mo na kasi male-late na ako sa duty ko dyan sa Crame!

(Actually, pauwi na ko nun, tapos na duty ko…at hinde sa Crame duty ko! Ehehe)

MMDA: May duty ka sa Crame? Baka meron kang kamag-anak na pwedeng mag-asikaso neto.
AKO: Naku Manong, busy silang lahat. Kaya asikasuhin na natin yan. Saka pagbigyan mo na ako, sa tinagal-tagal kong nagmamaneho wala akong nagiging violation, dyan pa sa simpleng obstruction makukuha ang lisensya ko.

(Nagkakamot na ng ulo si Manong MMDA…napipikon na sa akin)

MMDA: Teka, may trabaho ka na ba?

(Napaisip ako? Ano konek? Aba, balak pa akong kotongan ng malaki ha!)

AKO: Ha?? Wala pa! Estudyante pa lang ako no! (Halata naman kasi naka-uniform ako) Saka teka nga pala, bakit kukunin mo lisensya ko?? Di ba pinag-utos ng Supremre Court na bawal na kayong magkumpiska ng lisensya? (Buti na lang, nakakapag-isip pa din ako ng palusot! Ehehehe)
MMDA: O ayan, (sabay abot sa lisensya ko) bahala ka na nga sa gusto mong gawin!

(Kinuha ko lisensya ko sabay harurot. Nakita kong andun pa si Manong MMDA, mukhang naghihintay ng pang-hapunan! Akala nya aabutan ko sya kahit pang yosi ha! Ahahaha! Teka, tama ba yung kinana ko dun kay Manong MMDA na bawal na silang kumuha ng lisensya ngayon? Malamang! E natakot sya e! Ahaha, it doesn’t matter, ang mahalaga, lusot!)

BABY ANN: Ate, talaga bang hinde ka pa nahuhuli kahit minsan?
AKO: Ulol nya, suki ng beating the red light to!

1 Comments:

Blogger CuteJugglerJeN said...

Nyahahaha!Isa ka talagang malaking pasaway by!Galing lumusot!Saludo ako sayo!Ahaha!

I LOVE YOU SO MUCH!

Saturday, September 30, 2006  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home

Image hosting by Photobucket

Femme_Fatale


Countup Clocks at PingAFriend.com
Myspace Quotes