Photobucket The Mirror Has Two Faces: Spell D-i-s-c-r-i-m-i-NATION

Wednesday, April 01, 2009

Spell D-i-s-c-r-i-m-i-NATION

Sa usaping diskriminasyon, pumuputok ang mga butse natin kapag nadedehado tayo sa ibang bansa pagdating sa usaping iyan at sa pagkakataong ito, lagi ang sigaw natin "we demand an apology!"

Ang tanong, wala bang diskriminasyon dito sa Pilipinas?

May notion na kapag Bisaya ka, automatic katulong yan. Kapag Ilocano ka, kuripot at kung Kapampangan, hambog!

Sa mga Classified Ads, requirement nila with pleasing personality.

Isang Unibersidad, hinde tinanggap ang isang estudyante sa kursong Nursing kasi hinde daw sya maganda.

Balita kagabi, nahihirapan ng makakuha ng trabaho ang mga 40 years old at above primarily sa dahilang edad.

Magulang ng tomboy, kelangang magbigay ng sustento sa magulang dahil sabi ng nanay nya wala naman siyang "pamilya" na pagkakagastusan unlike yung kapatid nyang me asawa at anak na!

Teacher na napag-alamang bading, tsugi sa work dahil imoral daw at may tendency for sexual abuse.

Sa government agencies, kahit sa private companies, hinde ka matatanggap sa trabaho unless may backer ka.

Sa isang ospital, hinde ka pwedeng magdonate ng dugo kung may karanasan ka sa pakikipagtalik sa kapwa babae/lalake.

The list could go on and on. Kelangan muna ata nating tignan sa salamin ang putik sa ating mga mukha bago pansinin ang sa iba!

Pano kaya kung ako naman ang sumigaw ng "I demand an apology"?

2 Comments:

Blogger CuteJugglerJeN said...

easy by! ang puso mo, ang puso mo! ahaha! masyadong serious a! stress pa din ba yan? wag ka na magalit smile na my baby!

ILOVEYOU SO MUCH!

Thursday, April 02, 2009  
Anonymous femme_fatale said...

hinde ako galit!
bakit, ako ba dito ang nadiscriminate? hinde naman diba???

hmp!

I LOVE YOU VERY MUCH by kasi ikaw ang pinakafair na tao sa buhay ko, aysus!!

Thursday, April 02, 2009  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home

Image hosting by Photobucket

Femme_Fatale


Countup Clocks at PingAFriend.com
Myspace Quotes