Photobucket The Mirror Has Two Faces: Mga Aral sa Buhay ng mga Adik

Thursday, August 07, 2008

Mga Aral sa Buhay ng mga Adik

1. Huwag tipirin ang sarili... kung gustong bumili ng Lacoste, GO LANG NG GO! Kesa sa ibang kamay mapunta ang anda, sarili mo muna ang dapat makikinabang!

2. Ang pagtulong sa kaibigan ay hinde laging namumunga ng maganda... minsan naii-scam ka!

3. Huwag Shunga-shunga! Magtanong... magverify! Walang bayad ang mga ito!

4. Trust your instincts! Listen to your hunches! Kahit sabihin mong mas malaki pa sa gym ball ang utak mo, meron sa kailalim-laliman ng pagkatao mo ang magtuturo sayo sa tamang landas.

5. Sa lahat ng bagay, dapat magkaramay kayo ng partner mo. For richer of for poorer dapat ang drama nyo. Walang lihiman kahit alam mong ikakagalit, ikakaiyak, o sa tingin mo e masasabihan ka nya ng "Ang tanga mo!"

6. Si Carmi Martin ay lagi lamang nasa tabi-tabi. If you can't beat them, you can't even get even, call Carmi to rescue you! Hinde ka nya bibiguin! Pramis!

7. Tawanan mo na lang ang buhay kung naisahan ka! E in the first place, kasalanan mo naman kung nagpauto ka! Tandaan, sa hinaharap, pede ka namang makadalawa!

8. Kapag me nawala sau, laging mas malaki ang kapalit nyan! Kung nawalan ka ng P13,000... kita mo, biglang bubuka ang langit at magpapaulan yan ng P21,000! Dapat magaling kang sumalo! Kung mas maswerte ka pa nga, malamang hinde lang P21,000 ang masalo mo kundi isang matunog na "See you soon!" Yipee!

9. OK lang na umiyak paminsan-minsan, wag mahiya na ipakita sa iba ang pagtulo ng luha.... sus, e kung un ngang mga teleserye iniiyakan mo, un pa kayang tunay na drama ng buhay mo!

10. Ang mga aral sa buhay ay dapat isinasapuso, hinde dapat kinakalimutan. Merong mga ex-jowa na mangangaliwa, mga raffle na hinde mo mahahawakan ang premyo mong napanalunan, mga estrangherong uubos sa laman iyong wallet, o mga kaibigang magta-traydor sau! Masasaktan ka sa simula, iiyak, hinde makakatulog o makakakain. Cool ka lang! Steady lang! Lilipas ang sakit, ang galit! Sa takdang panahon, makakabangon ka! At pagdating ng panahon na un, eto ang sasabihin mo... "You ass! Fuck you!"

Hehe!

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

AHAHAHAHAHAHAHA! Swak! I heart you talaga by! natatawa nalang sa kashunga-an ko! leche! sa mga hudas dyan sa tabi-tabi, beware: carmi martin is coming! hehe!

rock on bob ong! ahahaha!

I LOVE YOU SO MUCH!

Thursday, August 07, 2008  
Anonymous Anonymous said...

aba! tinamaan ka ba? haha! kaw ba tong tinutukoy d2? haha!

I LOVE YOU VERY MUCH by! kahit nu mangyari!

Thursday, August 07, 2008  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home

Image hosting by Photobucket

Femme_Fatale


Countup Clocks at PingAFriend.com
Myspace Quotes