Photobucket The Mirror Has Two Faces: The Art of Waiting

Sunday, August 13, 2006

The Art of Waiting

Photobucket - Video and Image Hosting

Hay, one of the few moments na nakaonline ako ng tanghali! Mga pasaway talaga tong mga kasama ko sa reporting, sabi ko ng iemail sa akin mga presentations nila ng Sunday before 12 noon, hanggang ngaun wala pa din! Kaya habang naghihintay, magblog na lang ako! Hay, goodluck na lang sa akin sa paglilipat ng report nila sa laptop ng tatay ko...tsk! Hinde ako marunong gumamit nun e...ahahaha! Sabi ni Jen para lang din daw desktop yung laptop! O sya, sya! Kaya ko yun! I'll figure it out! Smart naman ako...ahahaha! Globe!

Namiss kong magsulat ng mga walang kwentang kwento d2 ah! Busy kasi ko lagi e, ahahaha! San? Sa pagtulog! Sa pakikipagchat kay Jen?? Ahahaha! Yun lang naman kasi reward ko sa sarili ko at the end of the day! Yung makita ko ang babaeng pinakamamahal ko kahit man lang sa webcam nyang malabo, ok na! Tsk, naiinis na kasi ako sa pag-aaral ko ulit! It's so boring! Pero sayang naman kasi kung hinde ko pa tatapusin e graduating na ko! Saka kahit pano excited din ako kasi maigsi ang pangalan ko, kapag pumasa ulit ako sa Board for the second time, madadagdagan ng two letters ung pangalan ko...ahahaha! Ano yung dalawang letters na un? RN! Ahahaha! Non sense na talaga to! Ahahaha! Sisihin nyo sila Marvin at Catherine sa kawalang kwenta ko ngayon! Tagal ng email nila, bwaka! Ikikiskis ko mga pagmumukha nila bukas sa pader ng Tapalla eh!

Hmmnn...oo nga pala, merong ibang nakakabasa neto! Pucha, ni-link link kasi ko ni Jen e! Kaya sa inyong mga nagbabasa (kung meron man), sensya na! Wala lang akong magawa! Gusto ko lang sanang magpost ng mga pics namin d2 ni Jen e pero minsan, di ko maiwasang magsulat ng mga kagaguhan ko! Ahahaha! Ayyy...yan na! May text ako! Baka si Marvin at Catherine na yan! Nasa email ko na report nila! Huwat???!!! Wala pa din??? Ano??? Uuwi muna si Catherine sa Nueva Ecija???? Pagdating pa nya sa Cabanatuan maiemail yung report nya??? Pu_ _ ! *gasping for air* Ang puso ko! Ang puso ko! Langhiyang mga bata to! Uurong bahay bata ko sa inyo! Mabuti na lang at hinde pa namin balak magkaanak ni Ate Jen nyo kundi....ahahaha! Hinde nya pala ko mabubuntis! Ahahaha! Hay....sabi ko na nga bang goodluck na lang sa akin e! Out na nga ko! Tatanda ako agad sa mga baklang itu! Ahahaha! Hoy, bata pa ako ha! Batang isip? Ahahaha! Inuubos nyo time ko sa report...pano pa ko lalandi nyan??? Sayang panahon!! Ahahaha!

Yun lang! Aray...sakit tyan ko by! Ahahaha! Poopoo muna ko! Ahahaha! Ang baboy! Parasympathetic reaction itu! Ahahaha!

1 Comments:

Blogger CuteJugglerJeN said...

Ahaha! Praning! Uy by di malabo ang webcam ko ha! Nagsalita! Ahaha! At oo, kelangan mong tapusin yang course mo ngayon kasi bibili pa tyo ng cayenne! Ahaha!

Bahu! Pero congrats at success! Ahaha!

I LOVE YOU SO MUCH!

Sunday, August 13, 2006  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home

Image hosting by Photobucket

Femme_Fatale


Countup Clocks at PingAFriend.com
Myspace Quotes